Mga laro sa Huwebes:
(FilOil Flying V Centre)
12:00 nn – JRU vs AU
2:00 pm – EAC vs CSB
‘Di F4 na boy group.
Final Four ang gustong marating ni Aurea Francesca ‘Cesca’ Racraquin ng San Beda Lady Red Spikers kaya inararo niya at mga kasama ang San Sebastian Lady Stags 25-13, 25-9, 25-21 sa NCAA Season 95 women’s indoor volleyball sa FilOil Flying V Centre.
“Siyempre para makaabot ng F4 kailangan mag-ipon ka ng panalo. Mag-ipon ka nang mag-ipon hanggang kaya mo,” giit ng 23-taong gulang at may taas na 5-foot-7 na balibolista na tumirada ng 19 points.
“Ayun ang ginagawa namin each game na kailangan maipanalo namin para umabot kami doon sa F4 na target.”
Bukod kay outside hitter at PVL campaigner Racracquin, nagdagdag din ng 14 markers si Maria Nieza Viray para ibigay sa koponan ang malinis na 2-0 kartada sa 10-team league.
Samantala, wala naman ni-isa sa Baste ang nakakuha ng dobleng pigura sa mga umiskor.
Malamyang 8 pts. lang ang tinapos ni Reyann Canete at 6 kay Amaka Tan na kinaglaglag ng Quiapo-based volleybelles sa 0-3. (Aivan Denzel Episcope)