CEU una sa Finals

basketball

Sinikwat ng CEU ang unang tiket sa finals, napuwersa ng Olivarez College ang TIP sa decider pagkatapos ng semis matches ng Universities and Colleges Basketball League sa Olivarez Sports Center kahapon.

May pasabog na 31 points si JK Casino at kinumpleto ng top seed CEU Scorpions ang 99-57 wire-to-wire victory kontra Colegio de San Lorenzo.

Umayuda si Ric Fuentes ng 13 points, may tig-12 sina Jason Opiso at Rod­rigue Ebondo sa Scorpions.

Kumalas sa second quarter ang Olivarez Sea Lions para ipagpag ang twice-to-beat TIP Engineers, 70-53.

Humarabas ng 25-9 blitz sa second ang Sea Lions para baligtarin ang five-point deficit tungo sa 34-24 halftime lead at hindi na bumitaw.

Pag-aagawan ng Oli­varez at TIP ang hu­ling silya sa finals bukas, Sabado, sa parehong Parañaque venue.