Tila lumabo na ang pangarap ng Duterte Administration na maisulong ang Charter Change (Cha-cha) at maisulong ang pagbabago ng sistema ng Gobyerno tungo sa Federalism.

ito ay matapos ang sunod sunod na sablay na ginawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

mismong kay Alvarez kasi nagmula ang pahayag na posibleng hindi na matuloy ang pagdadaos ng eleksiyon sa bansa sa 2019 at higit sa lahat ang term extension ng mga halal na opisyal ng Gobyerno.

sa term extension issue ay hindi nakapagpigil ang maraming kongresista na magsalita at matakam na magsalita sa publiko sa pamamagitan ng mga media interview na nagnanais na maisulong ang Cha-cha kasabay na pag aalis ng term limits sa mga pulitiko.

at ang masaklap nito ay nagpahayag si Alvarez at na intindihan na kahit hindi kasama ang Senado ay puwdeng lumusot ang Cha-cha sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass).

isa ring abogado si Alvarez pero ang kaniyang pagkakaintindi sa isinasaad ng Konstitusyon ay voting separately o magkahiwalay na boboto at magpapasya sa Cha-cha bilang bicameral o dalawang kapulungan ng Kongreso.

masyadong maangas ang naging dating ni Speaker sa publiko at maging ang mga Senador ay nais na balewalain sa proseso.

ngayon naman sa pinakahuling pahayag ni Speaker Alvarez ay pinagbantaan nito na hindi daw makakatanggap ng pondo ang sinumang lokal na opisyal na hindi papabor sa pagsusulong ng Federalism kaugnay ng Cha-cha.

kung magsalita si Speaker Alvarez ay parang pera niya ang pinagmimigay na pondo ay para bang siya lang ang tanging magdedesisyon ukol dito.

dapat ay naging maingat si Alvarez sa kaniyang mga pagkilos at pananalita pero kabaliktaran ang ginawa kaya naman sa kasalukuyan ay tila lumalabo na ang mabilis na makalusot ang Cha-cha.

marami ang pabor na rebyuhin at amyendahan ang Konstitusyon dahil aminado tayong lahat na maaring may probisyon dito na hindi na akma sa kasalukuyang panahon lalo na sa usaping ekonomiya.

pero kung mag aamyenda ay kailangang masusing pag aralan at tiyakin na hindi palpak at dapat maging pulido dahil kinabukasan ng bansa ang nakasalalay dito .

higit sa lahat ay maipaliwanag ng mabuti sa taumbayan ang chacha tulad ng ginawa ng Senado na nagsagawa ng public hearing at nag imbita ng mga kilalang legal luminares na siyang nagbigay din ng kaliwanagan sa usaping legal lalo na ang pangangailangan na pagpaslang at pagbotohan ng hiwalay ang chacha ng mga Senador at Kongresista.