Prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na masimulan ang pagtalakay sa Charter Change (ChaCha) sa susunod na taon lalo na kapag natapos na ng Constitutional Commission (ConCom) ang kanilang trabaho sa susunod na anim na buwan.

Ayon kay House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez, nananatili sa kanilang top-priority ang pagbabago sa sistema ng gobyerno mula sa presidential tungo sa Federal­ system of government.

“I already submitted the draft of the exe­cutive order to the Office of the Executive Secretary for the creation of a Cons­titutional Commission who will review, revise, and prepare the draft for the revised Constitution,” ani Alvarez.

Walang impormasyon kung natugunan na ng Malacañang ang EO para mabuo na ang 25-member ng ConCom na siyang mag-aaral kung anong mga probisyon sa 1987 Constitution maliban sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno, ang dapat baguhin.

Bibigyan umano ang ConCom ng anim na buwan para makabuo ng panukala na siyang aaprubahan naman ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

“After six months it will be submitted to the Constituent Assembly and it will be debated, lahat na nandoon, until we come up with a final draft, submit it to the people for ratification,” ani Alvarez.

Target ng Kongreso na matapos ang ChaCha sa 2018 para maisabay ang referendum sa 2019 midterm election.

25 Responses

  1. Hanga na ako sa mga kapwa natin pilipino ngayon. We are are now well informed and with better knowledge kung anong nangyayari sa gobyerno natin. Salamat sa social media at Internet malaking tulong ito para ma educate natin ang ating sarili.

    1. Dito magkakaroon ng pantay pantay na distribution ng pondo walang maa-agrabiyado di katulad ng mga dating gobiyerno mas pinapaboran nilang pondohan ng malaki ang metro manila. Pinakakawawa ang mindanao na siyang nangangailangan ng malaking pondo. Ginugutom nila ang mindanao sa pondo kaya dumami ang rebelde diyan. Ngayon lang tayo tumama sa presidente iaangat niya talaga ang mindanao kaya nga gusto niya magkaroon ng kapayapaan dito para walang sagabal sa pagunlad nito. kailangan natin siyang tulungan kahit man lang sa prayers natin.

    2. Adele – sana alamin mo muna kung ano ang ibig sabihin ng federalismo bago ka mag komento para hindi ka ombagin ng ibang tao dito sa Forum. Educate yourself first tungkol sa issue before you start opening your mouth ika nga………