Akala mo kagandahan itong starlet na si Chai Fonacier sa pagtatahol at pagre-react sa paggamit ng Abante Tonite sa salitang ‘dating beki’ ang nanalong best actress sa CinemaOne Originals.
Ano bang problema ng starlet na ito e totoo namang dating beki si Iyah Mina?
Bahagi ng tweet ng starlet na ito: “Why should it be a “controversy” if a transwoman won the Best Actress award? Why must it be a click bait? “Nababalot ng kontrobersiya,” says the lede in. Fuck it, it’s 2018. Get with the program. She’s a she. She won fair and square. Fuck you.”
Wala ka bang isip Chai ? Magmura sa Abante Tonite. Ikaw yata ang nagpapakontrobersiyal, eh. ‘Wag feelingera. Wala kang karapatang magmura sa katiting na naiambag mo sa industriya kung meron man.
Mga sibilisado tayong tao at may pinag-aralan para idaan sa pagmumura. ‘Wag attitude.
‘Wag makapal ang mukha para magmura.
Para sa ikalilinaw ng utak mo, nasabing nababalot ng kontrobersya ang pagkapanalo ni Iyah dahil isang baguhan at transgender naman talaga ang tumalo sa inyo.
Baka naman hindi mo matanggap na siya ang nanalo? Halatang-halata na sourgraping ka, ‘te!
***
Carla, Sophie nagpapasiklaban
Mas tumitindi ang tensyon sa pagitan ng mga magkakapatid sa well-loved GMA dramedy series na Pamilya Roces.
Nagpapasiklaban sina Amber (Sophie Albert) at Crystal (Carla Abellana) para sa popondohang proyekto ng kompanya. Mas malaki kaya ang tsansa ni Amber na makuha ang simpatya ni Rodolfo (Roi Vinzon)? Mukhang may kampihan pang nagaganap sa mga magkakapatid, huh!
Abangan ngayong Biyernes ang mall show ng cast sa Gaisano Capital South at 5 p.m. sa pangunguna ni Carla Abellana, Rocco Nacino at Sophie Albert. Sina Gabbi Garcia, Shaira Diaz, Andre Paras, Manolo Pedrosa, at Jasmine Curtis Smith ay nasa Gaisano Island Mall Mactan ng 5 p.m. din.
Tsuk!
***
Krystal Miss Earth-Puerto Rico
Isa sa outstanding na kandidata sa Miss Earth ay si Krystal Xamairy. Kinatawan siya ng Puerto Rico. Ang hometown niya ay Arecibo. Siya ay 18 years old. Isa siyang modelo at communication student.
Ini-enjoy niya ang surfing kasama ang kanyang ama.
“Since I’m a young girl, I surf and the most I enjoy is that I learned it from my father,” deklara niya.