CHAMPION ANG POCARI

Pvl Pocari Balipure
Pvl Pocari Balipure
Ubod-lakas na hinataw ni Krystal Rivers ng Pocari Sweat ang bola palusot sa depensa nina Jennifer Keddy at Jaroensri Bualee ng BaliPure sa winner-take-all game ng PVL Reinforced Conference sa San Juan. (Patrick Adalin)

Gumamit ang Pocari Sweat ng lakas at eksperiyensa nang rumesbak mula sa first-set deficit at samantalahin ang errors ng BaliPure tungo sa 20-25, 25-17, 25-17, 25-19 panalo kagabi.

Napanatili ng Lady Warriors ang Reinforced Conference crown ng Premier Volleyball League sa dinumog na FilOil Flying V Center sa San Juan.

Matapos matalo sa first set, tila nahimasmasan ang Lady Warriors, nagtulung-tulong sa sumunod na three sets sa likod ng mga power hitters na sina Krystal Rivers at Michelle Striza, katuwang sina Finals MVP Myla Pablo, Desiree Dadang, Risa Sato para sa 2-1 win sa best-of-three series ng season-opening conference ng ligang inorganisa ng Sports Vision.

Angat sa iskor na 23-14 sa fourth set, nagawa pang humabol ng Water Defenders nang makaiskor ng tatlong sunod, pero, pinigil ng hit ni Strizak ang rally, kasunod ng hataw ni Jessey de Leon para tapusin ang laro.

Kasabay ng pagbagsak ng putting confetti, ipinagdiwang ng Lady Warrioes ang kanilang ikatlong sunod na kampeonato sa gayundin dami ng pagsali sa liga at ipakita kung sino ang bagong malakas na koponan sa women’s volleyball.

Sumalang sa ikatlo niyang laro sa Pocari, isa na namang monster performance ang ipinamalas ni Rivers, nang paulit-ulit ang paghataw nito, sa harap man o sa likod, bukod pa sa pagposte ng solidong depensa sa net.

Nakuha ng Pocari ang Game One, 22-25, 25-22, 25-22, 26-24, pero bumawi ang BaliPure sa Game Two, 15-25, 24-26, 26-24, 26-24, 15-13 para isaayos ang winner-take-all.