Team Standings
(Commissioner’s Cup)
W L
Rain or Shine 8 1
Meralco 7 2
Alaska 7 2
TNT 6 3
GlobalPort 4 4
San Miguel 4 4
Magnolia 4 5
Colulmbian Dyip 4 5
Ginebra 3 5
Phoenix 3 6
NLEX 2 7
Blackwater 1 9

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Phoenix vs. GlobalPort
7 pm – Columbian vs. Ginebra

Magkabuntot lang ang Columbian Dyip at Ginebra sa stan­dings ng PBA Commissio­ner’s Cup, magsasagupa mamaya sa Smart Araneta Coliseum para patibayin ang kapit sa top eight.

Kabuhol ng Dyip ang Magnolia sa seventh-eighth sa parehong 4-5, sa ibaba nila ang Gins (3-5).

Nadagdagan ang firepower ng Gins sa pagdating ni Jeff Chan mula Phoenix kapalit ng 2018 first round pick ng Ginebra sa trade na tinanguan ni Commissioner Willie Marcial nitong Lunes.

“Jeff obviously fills a big hole for us,” pahayag ni Gin Kings coach Tim Cone. “His ability to spread the floor for Greg (Slaughter) and Japeth (Aguilar) could spell the difference.”

Kapag nanalo sa Columbian, sa unang pagkakataon ngayong midseason conference ay aangat sa top eight ang Ginebra. Pagkatapos ng Dyip, nakaharang pa sa crowd favorites ang Alaska (June 24) at GlobalPort (July 6).

“We have no margin of error,” diin ni Cone. “If we find a way to win our three tough games, we could make the Top Six.”

June 10 pa huling sumalang ang Columbian nang sagasaan ang Phoenix 115-107. Pagkatapos ng Ginebra ay GlobalPort ang huling asignatura ng Dyip, may tsansang manatili rin sa top 6.