Chanel hinog na sa Miss World Philippines

Mula sa pagiging artista, sumabak na rin si Chanel Morales sa beauty pageant.

Isa si Chanel sa official candidate para sa ­taong ito ng Miss World Philippines. Makakalaban niya ang beauty queen international titlist na si Katarina Rodriguez, at ang Miss Earth Air 2017 na si Kim de Guzman.

Si Chanel ay finalist sa dating talent search ng TV5, ang “Artista Academy”. Nag-champion dito ang magkasinta­hang sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Ito rin ang nali-link ngayon sa aktor na si Carl Guevarra na siyang winner ng Bench model search nong 2007.

Malaki ang laban ni Chanel sa titulo ng Miss World hindi lang dahil sa angkin niyang ganda, kundi sa taglay rin nitong kaseksihan.
Bukod pa dito, matalino ang 22-year-old model-social media influencer dahil sa mga de-kalibreng eskuwelahan ito nagtapos.

Hinog na hinog na ang kaseksihan ni Chanel na makikita sa kanyang pictorial para sa MW2018 at sa iba pa niyang bathing suit pics.
Napakakinis, maganda ang hubog ng katawan, tamang laki ng dibdib at sariwang-sariwa. ‘Yan ang mga katangian ng dalaga na angat sa iba.
Kung hindi mo kilala ang isang Chanel Morales, aakalain mong isa itong international actress o model sa ibang bansa.

Nahahawig rin ang ganda nito sa Hollywood A-list Star at recording artist na si Selena Gomez.

Mistulang isang bubot na prutas si Chanel na masarap kagatin at napakalutong.

Napakasuwerte ni Carl Guevarra sa pagkakaroon ng syotang gaya ni Chanel dahil talaga namang napaka-pure ng pagkababae nito.
Mahinhing kumilos at malumanay magsalita, kaya naman lahat ng lalaki ay nangangarap sa kanyang kagandahan.