ANG dating miyembro ng South Korean boy band na 100% na si Changbum ay hindi rin makapaniwala sa napakabilis na pagpanaw ng dating kagrupo at tumatayong leader at vocalist nila sa 100% na si Seo Minwoo.
Sina Changbum at Minwoo ang dalawa sa magkasabay na nag-debut sa 100% noong 2012. Pagkatapos ng apat na taon, nagdesisyon si Changbum na umalis sa grupo habang si Minwoo naman ay nagpatuloy pa rin na maging leader.
Kahit wala na sa 100% si Changbum, nanatili pa rin ang pagiging malapit na magkaibigan ng dalawa. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post ito ng larawan nilang dalawa ni Minwoo kasabay ang mensahe na sana raw ay nakakapagpahinga na ito ngayon kung nasaan man.
Aniya, “May you rest in peace. I hope you are comfortable up there in the sky, Minwoo hyung… I hope you become a bright star and light up this world.”
Bukod sa ibang mga kasamahan ni Minwoo sa Korean entertainment industry, malungkot at hindi rin halos makapaniwala ang mga fan sa maagang pagpanaw nito sa edad na 33 dahil daw sa cardiac arrest.
Nag-post din ng kanilang message of sympathy ang mga fan club ng dalawa sa malaking K-pop group na BTS at Big Bang.