Character actress, pinahirapan ang staff ng teleserye

aktres-pinahirapan

MATAGAL-TAGAL na siya sa showbiz, sa TV man o pelikula. At dahil magaling, hindi siya nauubusan ng raket.

Sa isang teleserye na uumpisahan pa lang ang taping, siya agad ang naisip ng mga boss na ilagay sa isang role na bagay talaga kay ate.

Kinontak siya agad-agad ng talent coordinator. Tinanggap ni character actress ang offer.

Kaya lang, andaming conditions ni ate.

Dapat eh hatid-sundo siya ng service. Kailangan, naka-highlight na ‘yung mga linya niya sa script, at bigyan siya ng breakdown ng sequences.

At ang the height, saktong time. (LUKARET!)

‘Yung service van na request niya, kinuwestyon ng executive producer.

Hindi puwede na si feeling sikat lang ang gagamit nito. Kailangan, kasama niya ang ibang staff papunta at pauwi dahil ‘yun ang bagong regulation.

Nag-emote si ate kaya kinausap siya na mag-taxi (kahit UBER o GRAB) at babayaran na lang ng production pagda­ting niya sa location.

Saan ba nakatira si ateng reklamadora?

Sabi ni ate, sa bandang Kamuning Road.

Tumili si beking TC (talent coordinator) habang nangi­nginig ang kalamnan dahil bandang city hall ng QC ang location, bakit kailangang may service?

Konting kembot lang ‘yon, ‘no?!

Tinawagan din si ate ng wardrobe na mag-bring ng pambahay, isang blusa at maong pants.

‘Yung ibang isusuot niya eh ‘yuug taga-wardrobe na ang magdadala.

Taping day na, tinext si ate ng TC kung nasaan na siya.

Sagot niya, “Otw.”

Iyon lang. Nairita si TC, tinext ulit si pasaway, “Saan po banda?”

Wah na answer si ate. After 30 minutes, duma­ting na siya. Hindi sila nagkibuan ni TC.

Dedma.

Tinulungan si ate ng mga taga-wardrobe. Napansin ng staff na isang maliit na tampipi lang ang dala ni ate.

Pagdating sa aircon tent, tinanong si ate kung nasaan ang mga damit na tinext sa kanya.

Sagot ng praning na actress, “Wala akong ganu’n!”

“HA?!” sabay-sabay na sabi ng tatlong beki.

Wala siyang dalang pambahay, blouse at maong pants. Wala raw siyang nakuhang ganu’ng text.

Hindi alam ni ate na intelligent ang mga ba­ding. Hindi binura ng mga bading ang mga sagot ni ate na pabigat sa celfon nila. Ipinakita iyon sa kanya.

Kulang na lang, ihampas nila sa mukha ni ate ang celfon para matanto niyang totoo ang sinasabi ng tatlong beki.

Hirit ng potah, “Wala kasi akong serbis kaya nakalimutan ko na at baka maiwan pa sa taxi!”

Juice ko po!

Hindi maka-move on ang luka-luka sa serbis.

Mahaba sana ang role ni ate, pero naging three sequences na lang.

Ini-report sa nakatataas ang aatitude ni ate.

Ang consensus ng ­powers-that-be, huwag nang kunin ang luka-­lukang ‘yan!