Ngayong long weekend, makabawi pa kaya o mabubura ang impresyon na underperforming ang Three Words to Forever sa takilya?
Maling akala nga kaya ang sitsit na ang first day gross daw nito ay P6.5 million lamang? Hindi impressive ang gross figure na ito dahil nga ang mga bida nito ay sina Sharon Cuneta, Richard Gomez at Kathryn Bernardo.
Bernardo, together with Daniel Padilla, ang The How’s of Us. is this year’s biggest box office champion. Kay Cuneta naman, ang huling pagsasama nila ni Robin Padilla, na may kasamang Joshua Garcia at Julia Baretto sa equation, ang first day gross was P15 million at kahit paano, may return of investment talaga.
Dahil sa persepsyon at pananalig na the public did not go wild to support the motion picture, si Bernardo ang nakikita, siya ang sinisisi, siya ang tinatawanag na Flop Queen at hindi pa kayang mag-isa. Na she is so dependent kay Daniel Padilla. Na sa pangyayaring ito, ang artistang babae ang mas may kailangan sa kanyang katambal at kasintahan to remain afloat and relevant sa showbizlandia.
Ang kasanayan kasi dati, laging ang lalake ang unang naliligwak at nalalaos pag pinaghiwalay ang isang love team. Iniiba nga ba ni Kathryn ang nakaugalian na at kinasanayan?
Kawawa naman si Kathryn sa grabeng pansisi sa kanya lalo na nga’t si Goma at si Shawie talaga ang major, major bentahe… ang kanilang screen come back after 15 years ang pelikulang mas marami yata ang mas ginustong matulog at mahikab na lang sa mga bahay nila kesa sumugod sa mga sinehan.
May katotohanan nga kaya ang tiktak na may boycott Sharon, Richard movie movement nga ba kasi nga ang dalawa ay identified sa pinakamakapangyarihang ginoo? Ano ito, sumpa ni Aga Muhlach na luhaan rin sa takilya ang pelikula with Bea Alonzo dahil nga biglang may big reveal ang kanyang political leaning na di sinasadya sa isang pangmalakasang late night talk program?
O, kakarampot na lang ang mga what could have been na nanalig na dapat eh si Gomez at ang dating Madam Chairman ang dapat nagkatuluyan? Eh bakit naman ang Dawn Zulueta at Richard Gomez pairing, walang ganitong mga pakiwari at mas lamang ang kilig na nararamdaman kesa pagkahilo at pagduwal.
Kung the truth and nothing but the truth nga ang chikang ito, validated ang hanash ng kaibigan ko na ang. “Three Words to Forever is the weakest among the biskwit trilogy.”
Ang dalawang pelikulang kasali sa trio, ang sagot niya, “ Four Sisters and a Wedding and Seven Sundays.”
Ang kuda ni kaibigan, “OA kasi yung characters na hindi talaga uusad yung kwento kapag hindi OA yung mga characters. Kaya yung confrontation scene, parang imbes na sympathetic ka, alam mong deserved nila yung hindi magagandang nangyayari. Parang ganun. Hehe.”
Kaya sa mga fan nina Sharon, Richard at Kathryn, wag magpapalupig at tuloy ang laban para sa ekonomiya, at para patotohanang hindi pa kayo naghihikahos at may sapat na pananalapi, puwersa at ingay para mapagtagumpayan ang ang Three Words to Forever challenge!
***
Catriona pangmalakasan ang laban
Labing-limang tulog, mangyayari na ang most coveted and most prestigious beauty title na gaganapin sa Thailand, ang Ms. Universe.
Pangmalakasan ang kandidata natin, si Catriona Gray. Siya ay beauty, brains, sexy, fashionista, at catwalk ready, mapa-casual, swimsuit o evening gown man ang suot.
Walang duda she is the embodiment of the lyrics of the Binibing Pilipinas theme song, Catriona is “the perfect symbol of a people rich in heritage and love….that lovely, pretty, captivating, so exciting, the girl who’ll surely win your heart!”
Laban Pilipinas! Laban, Catriona Gray!