KASABAY ng selebrasyon ni Charice sa kanyang 10th anniversary, ini-launch niya ang bagong album na Catharsis.
Proud si Charice sa mga nalagpasan niya sa loob ng sampung taong journey niya sa kanyang career.
Ang pinakamalaking natutunan niya ay kailangang bumilib ka sa sarili mo na kakayanin mo ang lahat ng pagsubok sa buhay mo.
Ani Charice, “I thought about giving up so many times. I guess ‘yun ang pinaka-biggest lesson ko na lagi kong na-encounter sa life ko. Never give up.
“That’s true. Just believe in yourself. ‘Yun lang talaga ‘yun. Kasi, kahit na you have people around you na sinasabi na they believe in you, nasa sa ‘yo pa rin ‘yun, eh.
“Na minsan, kahit naririnig mong naniniwala sila sa ‘yo, ikaw mismo ang naggi-give up sa sarili mo.
“So, ‘yun ang pinaka-ano ko sa sarili ko na if they believe in you, you have to believe in yourself.”
Kaya itong bagong album niya ay sobrang proud siya na nabuo niya ito na personal niyang pinili ang mga kantang ni-record pati sa design ng album.
Itong mga huling ginawa niya ay tinitiyak niyang pang-masa na magustuhan ng lahat, dahil willing siyang makisama sa lahat ng tao.
***
Sinagot na rin ni Charice ang ilang personal na isyu lalo na sa kanyang lovelife.
Mag-aapat na taon na ang pagsasama nila ng partner niyang si Alyssa Quijano at ipinagmamalaki niyang going stronger ang kanilang pagsasama.
Napapag-usapan na ba ang kasal?
“Kung may gagawin kami, probably propose muna and then ipon muna for the wedding.
Nag-uusap na kami about it, pero syempre, darating tayo diyan.
“Kumbaga, boring man pakinggan pero andu’n na talaga, parating na talaga,” pahayag ni Charice.
Hindi lang ang wedding kundi pati ang pagkakaroon ng baby ay napapag-usapan na rin nila ni Alyssa.
“Siyempre naman, pero hindi ko naman siguro kailangang sabihin ang mga details kung paano gawin,” pakli ni Charice.
Sakaling gagawin nila iyun, kagaya ng plano nina Aiza Seguerra at Liza Diño, si Alyssa raw ang magdadala ng baby.
Matagal pa raw iyun, dahil sa ngayon ay haping-happy sila sa doggies nila na parang babies na nila.
“Sobrang dog lover kasi kami. May time na iniisip namin na hangga’t hindi nawawala ang dogs namin, hindi kami magkaanak.
“Kasi sobrang love talaga ang treat namin sa mga puppies namin. So for now, we are very good kung ano ‘yung situation namin,” masayang pahayag ni Charice.