Katarina Rodriguez
Katarina Rodriguez

HINIHINTAY pa namin ang latest na announcement ng Binibi­ning Pilipinas Charities, Inc. kaugnay sa isyu ng Bb. Pilipinas Intercontinental na si Katarina Rod­riguez.

Mabilis na kumalat kamakalawa nang gabi ang statement na inilabas ng BPCI:

“Bb. Pilipinas 2017 Intercontinental Katarina Rodriguez has expressed she may not accept the crown.

“Katarina was crowned Miss Philippines Intercontinental 2017 last Sunday, April 30th in Smart Araneta, Quezon City.

“BPCI is waiting for a formal letter of resignation until today May 2. First runner-up Charmaine Elima will replace her after resignation.”

May ilang reporter na kinuha ang reaksyon ni Katarina at nagpahayag itong wala siyang balak na mag-resign.

Two days niya itong pinag-isipan at nakausap ang miyembro ng pamil­ya at mga close friends at supporters, tuloy pa rin daw siya sa Binibini at paghandaan daw niya ang pagsali sa Ms. Intercontinental.

Pero ayon sa ilang napagtanungan namin, ang BPCI daw mismo ang gustong tanggalin si Katarina sa roster of winners dahil sa nakarating sa kanila na sexy pictures nito na lumabas sa FHM Magazine.

May isyu pa raw ng citizenship, pero wala pang latest na announcement ang BPCI kaugnay rito.

Sandaling nakausap namin si Jonas Gaffud ng Aces and Queens na nagha-handle kay Katarina, wala pa raw siyang nakukuhang impormasyon.

As of presstime, nasa close door meeting pa raw si Katarina sa mga taga-Binibini.

Kaya naghihintay pa rin kung ano na ang napagdesisyunan sa titulong napanalunan ni Katarina.

***

Charmaine Elima
Charmaine Elima

Ang isa pang kuwentong nakarating sa amin, nagsalita na raw itong first runner-up Charmaine Elima na kung matutuloy ang pagtanggal kay Katarina at i-announce officially na siya na ang lalaban sa Intercontinental, hindi raw niya ito tatanggapin.

Balak daw ni Chairmaine na lumaban uli sa Binibini next year dahil ang Ms. Universe daw ang pinupuntirya niya.

Pinagtutuunan din daw ngayon ng atensyon ng Binibini itong Ms. Intercontinental dahil ito na lang daw ang titulong hindi nila nakuha.

***

Ramdam namin ang sobrang kasiyahan ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong sa pagkapili bilang Bb. Pilipinas-International ng anak nilang si Mariel de Leon.

Touching ang post ni Boyet sa Facebook kahapon kung saan naglabas sila ng throwback picture nila ni Mariel nu’ng bata pa ito.

Sabi ni Boyet, “Anak, you have transformed into a beautiful, intelligent, elegant and brave woman, our Ms. International Ma. Angelica de Leon.

“This is the most exciting time of my life! To see our Lord GOD’s hands moving to where you are right now ta­king this as the start of a bright future for you with our good Lord GOD beside you, that’s it!

“We are so happy and proud of your perseverance and passion, to follow your dreams and aspirations.

“Happy din kami because you are the first Beauty Queen in our clan, plus seeing you take on this wonderful breakthrough which we (Nanay and I) have been praying for.

“There is truly Hope which our GOD has pro­mised. Thank you Anak. We love you and congratulations!”

One Response

  1. Ang ganda ni Ms. Charmaine, bakit 1st Runner-Up lang…ang ganda nya ay pang Ms. Universe…tama lang na hwag mong tanggapin…malaki ang chance mo maiuwi ang Crown next year….pinaka-maganda sa lahat ng candidate….