Ipinaramdam ng dating Presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos kung gaano siya kaistrikto.

Nakapanayam ni Boy Abunda sa TWBA si Charo kasama ang aktres na si Bea Alonzo. Ipinakita niya kung ano ang kanyang reaksyon kung sakaling makakita ng empleyado na nakasuot ng pambahay sa loob ng network.

“Iha, ang laki naman ng bahay mo,” diretso niyang komento.

Ano naman ang reaksyon niya sa mga namimirata ng pelikula?

“Ali, tawagan ang NBI,” seryosong pahayag niya na sinundan ng halakhak.

Inulan naman ng papuri at nakakatawang komento ang mga reaksyon ng Network’s Boss.

@AngCorny, “Simply manakot ni Maam Charo. Hahaha thats the boss!”

@pangs8, “Yung simple lang mag react si ma’am charo pero ramdam mong siya talaga ang boss at empleyado ka lang hahaha. Nakaka-intimidate.” ­(Ronaline Avecilla)