MAY pitak sa puso ng diva that you love ang Gawad Tanglaw.

Kasi naman, not once, but twice nila akong tinanghal na Best Male Entertainment Columnist in Filipino para sa tabloid.

Ngayong taon, wala na ang aming category kaya I can say na ako na ang huling entertainment writer na nasa kasaysayan ng Gawad Tanglaw.

And what an ending, huh?!

Sa bagong binuo na GEMS Awards, ako ang unang nanalo sa Best Male Entertainment Columnist in Filipino kaya feeling ko, magandang start at after me na ang susunod sa akin.

Hahahaha!

Of the many winners sa Gawad Tanglaw, ang nagpatalon sa aking puso ay ang Best Supporting Actor tie nina Xian Lim (Everything About Her) at Jess Mendoza (Pauwi Na at Purgatoryo).

Feelingera akong tunay na Mrs. Xian Lim at si Mendoza naman is a personal friend na dearest to my heart.

Buti na lang hindi ako nagwagi or else, tuliro ang beauty ko kung sino ang unang babatiin at yayakapin between Lim and Jess.

Pakiwari ko, mas mahigpit ang yakapan namin ni Mendoza dahil matagal na kaming malapit na magkaibigan.

He even treated me dati, celebration of my birthday eve and gave me a white teddy bear as gift and souvenir.

Ang same thing in common ni Lim, pareho kaming first GEMS winners, at pareho na rin kaming may GAWAD Tanglaw victories.

Wala rin kaming personal na relasyon ni Lim. Parang malapit lang kami sa isa’t isa ‘pag nagkikita kami sa events.

So, obvious na ang pag-viktoria ni Jess Mendoza sa kaibuturan of my imaginary pudendum, right?!

Masasabi ko ring nahirapan siguro ang members ng Gawad Tanglaw sa deliberation kaya kesa maging maigting pa ang baliktatakan nila, may major categories na higit pa sa isa ang umani ng tagumpay.

Sa Best Film, triple tie — Ang Babaeng Humayo, Hele sa Hiwagang Hapis at Pamilya Ordinaryo.

Ang tataray ng mga dalubguro, may panahon sila para panoorin ang mga obra ni Direk Lav Diaz na exercise in patience.

Hindi ba’t ang Humayo (4 hours) at Hele (8 hours), kayhahaba ng running time.

Ano ito, hindi na sila nagturo at nanood na lang?

Tabla sa Best Actress sina Charo Santos (Ang Babaeng Humayo) at Jaclyn Jose (Ma’ Rosa).

Tabla rin sa Best Actor sina Allen Dizon (Iadya Mo Kami) at Paolo Bal­lesteros (Die Beautiful).

At again, again, again… tabla rin sa Best Supporting Actress sina Susan Africa (Hele Sa Hiwagang Hapis) at Aiko Melendez (Iadya Mo Kami).

Pati pala sa Best Morning Show Host (Male), akalain mo, may tabla rin, sina Jorge Cariño at Atom Araullo. Ang taray, huh! (ABS-CBN)

Hindi kaya sa susunod na taon, Gawad Tabla na sila at hindi na Tanglaw?!

Ang saya kaya nu’n ‘pag nangyari.