Bangs, babu na sa pagpapa-sexy

HAVEY: Para sa mga akademikong taga-Manunuri ng Pelikulang Pilipino, mahigpit ang kanilang pagkatig sa maayos na naratibo at matinong pelikula na nagsusulong ng progresibong pagtanaw sa pelikula at lipunan.

Ito ang aking fearful forecast kung sinu-sino ang magwawagi sa ika-40 Gawad Urian.

Since mahilig ang mga Manunuri na mag-tie, pumili ako ng mahihigpit na magkalaban.

Tandaan, ito ang aking abang FEARFUL FORECAST lang.

BEST PICTURE. Mahigpit ang labanan sa kategoryang ito ng Ang Babaeng Humayo na Best Picture sa Venice Film Festival, at Women of the Weeping River na may pinakamaraming Urian nominations with its regional themed narrative na favored din para magwagi.

BEST DIRECTOR. Sheron Dayoc for Women of the Weeping River o Lav Diaz for Ang Babaeng Humayo.

BEST SCREENPLAY. Eduardo Roy for Pamilya Ordinaryo o Sheron Dayoc para sa Women of the Weeping River.

BEST ACTOR. Paolo Ballesteros for Die Beautiful or Tommy Abuel for Dagsin.

BEST ACTRESS. Neither Charo Santos for Ang Babaeng Humayo nor Jaclyn Jose for Ma’Rosa. Malamang the Manunuri will go for either Hasmine Killip ng Pamilya Ordinaryo or Laila Ulao ng Women of the Weeping River.

Mukhang ang mga baguhang aktor ang papaborang magwagi sa acting categories.

BEST SUPPORTING ACTOR. Christian Bables of Die Beautiful or John Lloyd Cruz for Ang Babaeng Humayo.

BEST SUPPORTING ACTRESS. Isang bagong aktres na naman ang maaring magwagi rito. Either Sharifa Pearlsia Ali-Dans o si Mariam Zimadar Caranay-Raper ng Women of the Weeping River o si Barbie Forteza para sa Tuos.

***

WALEY: Mukhang may baby-boom nga­yon sa showbiz at waley pag­lagyan ng kasiyahan ang mga celebs na naghintay para makabuo ng kanilang mga supling.

I’m happy for competent actresses Nikki Gil and Kaye Abad na finally they got what they wished for from their partners BJ Albert and Paul Jake Castillo.

Bangs Garcia
Bangs Garcia

We can only hope na sana, pagkatapos nilang manganak at i-enjoy ang kanilang pagiging nanay ay bumalik sila sa pag-arte dahil napakagaling nilang mga artista.

Nandyan din si Jopay Paguia at Joshua Zamora plus Valerie ‘Bangs’ Garcia and Filipino-British husband Lloydi Birchmore na on the family way na rin.

After motherhood, hindi na sila expected maging as super sexy like what their image and activities used to be.

I’m sure they’ll be very devoted hands-on moms kasi matagal din nilang hinintay ito.

Then there’s Maya of a duo/tandem before with Migz Haleco na napapabalitang nagdadalantao courtesy of boyfriend Geoff Eigenmann.

Kung totoo man ito, having a child is always a good news so sana’y magbigay ito ng swerte at direksyon sa kanilang buhay.

And anytime soon (until the end of July ang expected date), hinihintay na ang baby nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Sana ay magdala ito ng kakaibang swerte kina Kylie at Aljur na ang da­ming isinakri­pisyo para sa batang ito.

Tingnan natin kung dahil sa batang ito, matatanggap si Aljur sa pinag-audition-ang role sa ABS-CBN.

Sino pa kaya ang susunod na magkaka-baby?

Handa na kaya ang showbiz couples na nag­li-live in na magka-baby rin?

Naku, naku, ‘yan ang responsibilidad na puwedeng maging consequence ng kanilang mapusok na mga desisyon sa buhay. Good luck!