BONGGADERA ang big screen comeback ni Ms. Charo Santos-Concio.

Bukod sa pumasok sa 2016 Venice filmfest ang Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left) na dinirek ni Lav Diaz, tila magaganda ang early reviews sa pelikula.

Kabilang ang bagong obra ni Lav Diaz sa 20 films in competition sa 73rd Venice International Film Festival (August 31-September 10, 2016).

Pinuri ng The Hollywood Reporter ang comeback film ni Ma’am Charo, sa review na sinulat ni ­Clarence Tsui.

“Simple, solid, self-contained and succinct” ang description ni Tsui sa nasabing pelikula, that “­revolves around a wrongly convicted schoolteacher’s struggle with fury and forgiveness after her release from prison.”

Dugtong pa nito, “The Woman Who Left is an immensely immersive and engaging tale about a wronged individual’s grueling struggle between reconciliation and revenge.

“Featuring Diaz’s immaculate imagery — in high-contrast black and white, as usual — and a majestic performance from Charo Santos, The Woman should leave Venice with a few prizes before its long global trek, starting with a berth at Toronto­ on Sept. 9.”

1997 ang setting ng pelikula, na panahon ng handover ng Hong Kong sa China.

Ang bidang si Horacia (Charo)­ ay tatlong dekadang nakulong sa isang rural correctional facility para sa kaso ng pagpatay na hindi nito ginawa.

Pinalaya si Horacia nang aminin ng best friend nito sa kulungan na si Petra (Shamaine Centenera-Buencamino) na ­n­a-frame-up lang ito.

Bumalik si Horacia sa kanyang ancestral home at nalaman niyang namatay na ang asawa niya at nag-alisan na ang mga anak niya.

Paghihigantihan­ ni Horacia ang kanyang­ dating­ nobyo na si ­Rodrigo (Michael de Mesa), na dahil sa selos at galit ay binayaran si Petra 30 years ago para pagbintangan siya at ipakulong.

Interesting ang role ni Ma’am Charo, na isang caring mother figure kapag araw, tapos ay ­nagiging hoodlum na may tattoo sa gabi.

Kasama rin sa movie si John Lloyd Cruz bilang epileptic drag artist na si Hollanda.

Binanggit sa review ng THR na ito ang first screen appearance ni Santos matapos itong mag-resign bilang presidente­ ng ABS-CBN, na may-ari ng Cinema One, na siyang nag-produce ng indie film na ito.

“Santos has delivered a sturdy performance in which she brings to the fore all the unstable emotional­ contours of a mentally unraveling avenger,” sabi pa ng film critic na si Tsui.

Ang bottom line ng nasabing review sa Ang ­Babaeng Humayo ay, “a succinct, poignant revenge drama”.

Six months pa lang ang nakakalipas mula nang manalo si Direk Lav ng Silver Bear Alfred Bauer Prize sa Berlin filmfest para sa kanyang 8-hour film na Hele sa Hiwagang Hapis (A Lullaby to the ­Sorrowful Mystery).

228 minutes o halos apat na oras ang haba ng Ang Babaeng Humayo, na nagkaroon ng press screening sa Venezia nu’ng Huwebes nang gabi.

Mostly positive ang comments after ng screening. May mga nagsasabing malaki ang chance na manalo ng award ang pelikula sa Venezia.

Golden Lion (Leone d’Oro) award ang ibinibigay sa Venice filmfest para sa Best Film. Silver Lion ­(Leone d’Argento) naman ang sa Best Director.

Bukod dito ay meron ding Grand Jury Prize, ­Special Jury Prize at ang Volpi Cup for Best Actress and Best Actor.

Sana ay palaring manalo ang pelikula, si Lav Diaz at si Ma’am Charo.

Ang sinasabing matunog for Best Actress ay si Natalie Portman para sa competition film na Jackie (US) na dinirek ni Pablo Larrain.

Bukod sa Jackie, kabilang sa mga katunggali ng ating Philippine entry ay ang La La Land (US) ni ­Damien Chazelle, Frantz (France/Germany) ni Francois­ Ozon, Nocturnal Animals (US) ni Tom Ford at Voyage of Time (US) ni Terrence Malick.

Ang Venezia ang oldest film festival in the world at isa sa tinatawag na ‘big three’ sa pinaka-­prestigious, kasama ng Cannes at Berlinale.

Bago ang screening ng pelikula niya ay relaks na relaks na namasyal si Ma’am Charo sa streets ng Lido Island.

Nakita namin ang pics ng MMK host sa Facebook­ posts ni Tita Baby K Jimenez na close friend niya at kasama roon sa Venice.

Sana rin ay nanalo ang Pamilya Ordinaryo sa Venice Days section, na kagabi ginanap ang awards night.

Mamayang gabi ang awards ceremonies para sa main competition, kaya isang malaking GOOD LUCK sa TEAM HUMAYO!