HAVEY: ­Matagumpay ang premiere ng ­Venice filmfest Golden Lion award-winning film na Ang Babaeng ­Humayo tampok ang dating ABS-CBN President at ngayo’y head ng ABS-CBN University at Chief Content Officer Charo Santos-Concio na ­ginanap sa UP Town Center .

Dumalo ang mga iginagalang at premyadong mga aktor, direktor at iba pang mga kaibigan sa industriya.

Sa mga artista, maliban sa cast members na sina Kakai Bautista at Mae Paner, ang iba pang namataan doon ay sina Bea Alonzo, Iza ­Calzado, Pokwang, Kaye Abad, Nikki Valdes, Amy Austria, sina Mackoy at Elisse ng PBB, Direks Jerry Lopez-Sineneng, Mae Cruz, Olive Lamasan, Ricky Lee, Mac Alejandre, Mel Chionglo at maging si Brilliante Mendoza.

Ayon kay Bea Alonzo, “It was brilliant! They were all excellent. Engaging. It’s about a woman’s struggle between revenge and ­forgiveness after being imprisoned for thirty years for a crime that she did not commit.

“It will show you how far kindness can take you. Every scene was beautifully portrayed by the cast.

“Kudos to everyone who is ­behind this masterpiece. Thank you for giving us art. Congratulations.”

Ang sabi ni Izadora sa kanyang post, “Congratulations, Ma’am ­Charo for your brilliant performance in the movie! The journey of your character was so beautiful and somewhat bittersweet.

“It is not an easy task to carry a 4 hour film but you did it so effortlessly. Amazing performances from John Lloyd Cruz, Nonie Buencamino (nakaka­irita sa husay!), Michael de Mesa, Shamaine ­Buencamino, Cacai Bautista, and everyone else in the cast.

“Lastly, congratulations to Lav Diaz. Wow. It is my first time to watch your work in its entirety. In 4 hours I did not get bored, I only had to pee but I think that’s normal.

“Your work is so unlike Hollywood or mainstream films it’s refreshing! No wonder you’ve been winning all these awards… “Mabuhay Ang Pelikulang Pilipino…”

Ang tanong ng mga dumalo ng movie premiere, nasaan ang tunay na ‘Ang Babaeng Humayo’ na si Kris Aquino?

Akala ko, joke ito, pero seryoso pala.

Nang imbitahan siya ng mga taga-Star Cinema na dumalo sa ­premiere ay nag-confirm daw ito.

Maganda raw makitang mag-align ang dalawang Babaeng Humayo — sa pelikula at sa tunay na buhay.

Siguro, sa tamang panahon.

***

WALEY: Pagkatapos ­mawaley nang mahaba-habang panahon, nagbalik-Eat Bulaga na kahapon si Ryan Agoncillo at kitang-kita na ­na-miss niya ang mga Dabarkads.

Tinapos kasi ni Ryan ang mas pinasigla at mas masayang second season ng successful na local franchise ng AXN na Cash Cab.

Bukod sa Eat Bulaga at ang napakasaya nilang sitcom na Ismol Family, busy si Ryan at ang kanyang misis na si Juday sa paghahanda ng ikaanim na birthday ng kanilang anak na lalaki na si Lucho.

Inaayos pa ang detalye ng magiging party na aayon sa kung ano ang gusto ni Lucho na napaka-­active ngayon sa kanyang physical fitness programs.

Isa pang aabangan kay Ryan maliban sa Cash Cab ay may offer din sa kanyang mag-host ng isa pang mala­king game show franchise na pinag-iisipan pa niya.

“If ever tatang­ga­pin ko man ito ay dahil favorite show ito ni Lucho at muk­hang kaila­ngang ko siyang isama kapag kinu­nan ito sa ibang bansa,” patikim na sabi ni Ryan Agoncillo.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.