Wow na wow para sa diva that you love ang launch ng Baby Bench Cologne kung saan ang mga endorsers ay ang huggable like a real life Teddy bear at cuteness overload Eat Bulaga’s mascot na si Baste at sina Julia at Talia Concio, na ang lola lang naman ay ang nag-iisang si Ms. Charo Santos-Concio.

What I liked about the launch kasi it revived one’s kiddie vibe and childhood memories. May colorful balloons, check! May breads na malinamnam ang mga palaman.  Check na check! May malamig na shalang iced tea bilang panulak. At ang mga panghimagas, how can you go wrong with fluffy cotton candies at siyempre pa, pinky-sized cones topped with vanilla ice-cream.

Siguro, kung ang background music pa ay Dear Jessie ni Madonna, naku, pangabog na talaga ang children themed launch. Kudos sa staff ng Bench for delivering and giving their public two-hours of innocence and fun that made the kids at siyempre pa, ang young at heart genuinely happy.

Bet na bet ko rin ang fashion styling for the three kids. ‘Yung cardigan as an accessory ni Julia at ‘yung plum colored pull over ni Talia at ‘yung ballerina tutu skirts nila, were so divine to look at.

Gusto ko nga maghanap agad-agad nu’ng ballerina tutu skirts that the little girls wore kasi nga it so reminds me of what Sarah Jessica Parker donned habang rumampa siya sa Nueva York. And Julia and Talia had the sweetest of voices. Nu’ng inawit nila ang Somewhere Over The Rainbow mula sa The Wizard of Oz, something inside me melted like a marshmallow.

From where I was stationed, kitang-kita ko talaga na super proud si Madam Charo para sa kanyang mga apo.

***

Walang duda na ang diva that you love, the day after Valentine’s Day, na supposedly eh Valentine Special of concubines, susugod sa sinehan para panoorin ang I’m Drunk, I Love You.

Bakit kaniyo? Siguro naman, alam niyo na Paulo Avelino is one of the actors na talagang bet na bet ko. Oo, mahal ko siya. Siya lang ang pwedeng pumigil para totally akong mag-fall kay Xian Lim. Hahahahaha!

Alam kong Avelino will bring mega-dosages of kilig sa pelikula nila ni Maja Salvador.

Eh ito ring Maja, one of the better actresses of this generation. I lovingly label her as the pambansang harot kasi siya ‘yung babaeng she knows what she wants, and she gets it at mas marami siyang “totoo” moments than kiyema latik episodes.

Tapos, may add on pang Jasmine Curtis Smith na hopefully, eh hindi mag-suffer at makabog si Salvador. Alam naman nating effortless acting kabogero itong si Jasmine, maski itanong niyo pa kay Maine Mendoza.