tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAng diva that you love, kung pagbabasehan ang mga literal na tumili at na-shookt sa “Eerie” 10 minutong patikim nito sa press payanig na ginanap sa ABS-CBN Studio Experience, parang ang pag-asa na maging ito ang second biggest Filipino movie hit ngayong taon, ay hindi imposible.

Mismong ang mga bidang sina Bea Alonzo at Charo Santos, inamin na may kakaibang takot pa rin silang naramdaman kahit pa nga ilang ulit na nilang nasasaksihan ang patikim na eksena.

Kung pagbabasehan ang teaser, pati na rin full trailer nito, walang duda na maraming patayin sa sindak moments ang pelikula, kabugan sa aktingan sina Alonzo at Charo at dahil sa lapat ng musika, camera shots at texture ng pelikula, nabigyang buhay nila ang salitang nakakatakot.

Ang director, si Mikhail Red, tinanong ko kung ano ang kanyang pakiwari sa katotohanang dalawa sa pinakamahuhusay na aktres natin ay araw-araw niyang katrabaho?

Sagot ni Red, “Intimidating at first, but once I got to know them, from the look test, pre-prod, I realized na they are very fun, very playful, walang problem, we were on schedule.

Patuloy ni Mikhail, “Laging challenging, pero ‘yung good kind of challenge. Ang hirap i-balance ‘yung authority mo, kailangan alam nila na alam mo ‘yung ginagawa mo lalo na nga’t mas marami na silang nagawang films compared to me.”
Reaksyon ni Charo sa sinambit ni Mikhail, “Umiikot ang mga tiyan namin sa aming mga eksena. Kailangan kasi ang tension. You don’t go into a breeze when you do a character. Kailangan ma-assimilate mo kung ano ang struggle niya sa given scene. Kailangan mong namnamin. Si Mik kasi, he gave us the confidence. Klaro siya sa vision niya sa pelikula. I think the movie was in his mind and heart ever since kaya when he executed it, he knew what to do.”
Ang dalawang bida, inamin na hindi sila nagsaliksik o pinanood ang mga dating pelikula ni Red.

Kay Bea, “Ang pelikula kasi, parang true love iyan, dapat may spark, may magic. Kami nina direk Mik at Ms. Charo, may ganun, kaya fully committed kami sa film,” deklara niya.

Sa Marso 27 ipapalabas ang pelikula sa Pilipinas at sa ibang Asian countries.