Mahilig ba kayo sa musika at keso?
Alam n’yo bang isang cheesemaker sa bansang Switzerland ang nag-i-eksperimento ngayon at naniniwalang ‘pag tinugtugan ng iba’t ibang genre ng music ang keso habang ginagawa ay mas lalo itong sasarap?
Mahirap mang paniwalaan ang koneksyon ng musika at keso ay ito ang ginawa ng cheesemaker mula sa Emmental region, Switzerland na si Beat Wampfler kung saan simula noong Setyembre ay sinasabayan na nito ng tugtugan nina Led Zeppelin at A Tribe Called Quest ang pinoproseso nitong Emmental cheese.
Bukod dito ay sinasabayan din nito ng saliw na techno beat, ambient music at mga classical pieces gaya ng obra ni Mozart ang mga keso sa pamamagitan ng pagkabit nito ng maliliit na speaker sa ilalim ng malalaking bilog na Emmental cheese at pinagbukod-bukod din ang mga ito sa iba’t ibang genre ng music.
Kasabay nito ay kumuha ng mga scientist mula sa University of the Arts sa Bern ang cheesemaker para patunayan ang kanyang eksperimento.
Malaki ang pananalig nitong epektibo ang pagpapatugtog habang pinoproseso ito dahil hindi lamang aniya ang hangin, temperatura at nutrients ang dagdag-lasa at aroma sa cheese kundi pati na ang sounds, ultrasound at music. “Sounds, ultrasounds or music can also have physical effects,” pagdidiin nito.
“At first we were a bit scared,” natatawang sambit ng programme director Christian Pauli.
Diskumpiyado man noong una ang mga scientist sa kakaibang pag-aaral na ito ay nagpasya na rin silang posibleng may maiiambag nga ang musika nang malaman nila ang field na tinatawag na sonochemistry, mga sumusuri sa epekto ng sound sa mga solid body at chemical reactions.
“We are trying to… answer the question: in the end is there anything measurable? Or something that has an effect on the taste?” paglalahad ni Michael Harenberg, University of the Arts music director.
Masusukat sa darating na March 14 ang nasabing experiment kung saan ito ang takdang petsa para lasahan ng mga experts ang Emmental cheese ni Wampfler.