Cherry Pie, Jay magkasalo sa ‘Burak’

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Makabagong katotohanan rin ang hindi lang sasalamanin, kundi ipapakita at ipadadama sa Burak, bagong pelikula ni Direk Joel Lamangan, sa panulat ni Eric Ramos, mula sa BG Productions International.
Ang mga bida rito, sina Cherry Pie Picache at Jay Manalo.  Kasali rin sa pelikula sina Ana Capri, Noel Comia Jr., Marielle Therese, Tony Mabesa at Jim Pebanco.
Kuwento ni Cherry Pie, “Noong nabasa ko yung script ni Eric Ramos, na-excite ako because it’s a different role. Yung topic, maraming beses nang nagawa, pero the way it was written, knowing that Direk Joel Lamangan will direct it, na-excite ako.”
“‘Yung character na gagampanan ko, victim ng society. Isang probinsyana na napunta sa Maynila, expecting a better life. And then, she got entangled sa hirap ng society. ‘Yung lahat na, ‘yung burak talaga, andiyan ang prostitution, pedophi­lia, drugs, EJK, corruption, lahat,” dagdag kuwento pa ni Picache.
Sa kanyang leading man na si Manalo, ang reaksyon ng mahusay na aktres, “I’ve always admired Jay as an actor. Kung pipili ako ng mga artistang lalaki na hina­hangaan ko sa craft, kasama sa top 3 ko si Jay Manalo.  I’m really excited to be able to share the craft and passion with him, really excited to work with him.”
Pangabog din ang role ni Madam Baby Go, siya lang naman ang first lady sa barangay kung saan ang kapitan, si Pebanco ang magbibigay buhay.  Walang duda this is not just a cameo role. Parang kinakarir na ni Madam Baby ang kanyang quest to be an actress of importance and note, huh!
Ang lambing ng diva that you love sa mga may pribelihiyo kong magsuplado at magsupladang Abante Tonite readers, suportahan natin ang mga bagong player sa movie industry na gumagawa ng mga pelikula.
Magaganda ang mga obra mula BG Productions International.

Boy walang balak maging Presidente

Speak your truth,” ito ang maiksi pero impactful na dedikasyon sa amin ni Boy Abunda, ang tito nating lahat, ang tinaguriang King of Talk Boy Abunda, na kanyang isinulat sa pahina ng kanyang bagong aklat.
Ang bago niyang aklat ay naglalaman ng dalawa niyang talumpati. Una rito ay ang Why Can’t We Have A Gay President at ang pangalawa, ang Dearest Nanay.
Ang Why Can’t We Have A Gay President ay isang tanong na kinakayag ang mga taong bakit nga ba wala? Bakit walang nag­lalakas ng loob? Bawal ba? Hindi ba kaya? O sadyang hindi pa napapanahon?
Sa nasabing talumpati na nagmula sa tanong na puwedeng masabing “thank you very much for that wonderful question,” isinalaysay ni Abunda ang kanyang mga dinaanang pagsubok at pagtatagumpay bilang bakla.
Personal ang perspektibo, may mga pagpapakilala sa mga baklang umukit ng kasaysayan at mga pangyayaring naging makasaysayan para sa mga miyembro ng pink community.
Sabi ni Abunda, “‘Yung tanong is meant to provoke, to open a discussion and to let the general public know that in the nearest, nearest future, hindi impossible na magka-gay president. Malay natin, there is a young gay man or woman out there who will be the voice of reason and of our people. We had women president’s, why not a gay one?”
Wala raw siyang kabalak-balak tumakbong presidente, even if push comes to show, “It is not in my core. Hindi ko siya ambisyon o inaambis­yon. Walang fire in my belly to want it, even to dream of it. Alam kong hindi ako pang presidente.”
Ang Dearest Nanay talumpati naman ay isang love letter at pagpupugay ni Abunda sa kanyang Nanay Lesing. Mababasa sa talumpati ang debosyon at dakilang pagmamahal ni Abunda sa kanyang nanay na hindi lang ina para sa kanya, kundi isang bayani at kaibigan.
Ang talumpati ni Boy na ginawang libro will definitely stir a lot of sensibilities at ‘yun ang gusto niyang mangyari. Ilang sali­ta mula sa aklat na siyang patunay nito: “This is the best time for exploration. This is the best time for discovery, observation and provocation. This is also the best time to challenge prejudicial, discriminatory and common cultural beliefs. This is also the best time to correct the wrong doings of colonialism.”