Hindi na halos ginamit ang mga pamato, pero ­madali pa ring ibinaon ng Foton ang bagitong ­Cherrylume 25-21, 25-16, 25-17 sa opener ng ­Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan kagabi.

Sa second set na pumasok sina Maika Ortiz, Jaja Santiago at EJ Laure at madali nang nakumpleto ng Tornadoes ang unang panalos a club league na ­suportado ng Belo, Rebisco, Senoh, Mikasa, Asics, ­Mueller at Grand Sport.

Tumapos ng nine points mula sa six kills si San­tiago para pangunahan ang balanseng atake ng ­Foton, may tig-six markers ang dalawa sa walong new ­recruits nilang sina Heather Guino-o at CJ Rosario.

Dumikit ang Iron Lady Warriors 12-11 sa ­second, ipinasok ni Foton coach Moro Branislav sina ­Santiago at Laure at umarangkada ang Tornadoes.

“As you see, I have eight new players. This is not the same Foton team that you saw last year,” wika ni Branislav.

“We wanted to give Jaja and Maika rest since they came from the national team. Also, we want to develop our players and give them ­confidence for big games ahead.”

Nagsumite ng 12 points mula sa 10 kills si ­skipper Mary Ann Mendez para sa Cherrylume.