Chiang Kai Shek dedepensa sa PSSBC

Mga laro ngayon (SGS gym, Q.C.)
9:00 a.m. — San Beda vs. Hope Christian HS
10:45 a.m. — Arellano vs MPS
12:30 p.m. — LSGH vs. CKSC
2:15 p.m. — Mapua vs. St. Stephen’s

Sasabak agad ang defending champion Chiang Kai Shek College Blue Dragons kontra La Salle Greenhills Greenies sa pagbubukas ng 5th Phili­ppine Secondary Schools Basketball Championship MEC Network Cup nga­yong araw sa SGS gym sa Quezon City.

Kasali sa tournament ang top high school teams mula sa UAAP, NCAA at FCAAF.

Sinungkit ng CKSC ang korona noong nakaraang taon nang talunin ang La Salle-Zobel 85-82 sa one-game face-off.

Ibabandera ng Blue Dragons sina former Batang Gilas members Jonas Tibayan at John Galinato at rising stars Sam Bañes at Maguel Oczon.

Dadalo sa opening cere­monies ang nagbaba­lik na Gilas coach na si Chot Reyes, Gilas team manager Butch Antonio at ilang players mula Rain or Shine at Blackwater.