Dinaklot ng Chiang Kai Shek College ang twice-to-beat advantage sa semifinals matapos manguna sa elimination round ng SMART-PCABL 3rd Invitational Cup 2016 sa Buddhacare gym sa Quezon City.

Sinaluhan ng Blue Dragons sa tuktok ang National University at Ateneo na may tig-5-1 records pero nakuha ng CKSC ang top seeding at automatic semis berth matapos ipatupad ang quotient system.

Nakopo ng NU ang No. 2 at makakalaban ang University of the East Junior Warriors sa quarters.

Katapat naman ng No. 3 Eaglets ang Diliman Preparatory School ca­gers.

Samantala, haharapin ng No. 4 La Salle-Zobel ang No. 5 University of the Philippines Integrated School sa ibang pares ng quarterfinals sa event na suportado ni Epok Quimpo ng Smart Sports Marketing, CW Home Depot, Power House, Insular Square (Cebu), Advanced Solutions, Inc., New Pioneer Auto Supply at Ha­pee Toothpaste.

Kasalukuyang nilalaro ang quarterfinal matches.

Ang mananalo sa pagitan ng La Salle-Zobel at UPIS ay mahaharap pa sa mas mahirap na asignatura dahil kaila­ngang dalawang beses ta­talunin ang Blue Dragons para sumampa sa final.