Chicago popcorn owner nalunod sa El Nido

Pulis nalunod sa training

Patay ang isang 45-anyos na negosyante matapos itong lumangoy sa dagat nang walang suot na life jacket linggo ng umaga sa Helicopter Island sa El Nido, Palawan.

Sinubukan pang isugod sa Medical City sa nasabing bayan ang biktimang nakilalang si Oliver Tan Ong, may-ari ng isang branch ng Chicago Popcorn Shops sa Mandaluyong City at residente ng Brgy. Buwayang Bato, ng nasabi ring lungsod.

Sa ulat ng El Nido Municipal Police Station, nagtungo sa Helicopter Island ang biktima kasama ang ilang kaibigan upang magbakasyon.

Nabatid na nagkayayaang mag-island tour ang magkakaibigan at lumangoy nang walang life jacket,­ ilang metro ang layo mula sa pampang.

Subalit sa gitna ng paglangoy ng magkakaibigan ay nakita nila ang biktima na nakalutang na sa dagat at walang malay tao kaya agad nila itong tinulungan.

Tinangka pa nilang isugod sa pinakamalapit na pagamutan ang negosyante subalit bigo nang mai­salba pa ang buhay nito. (Edwin Balasa)