Chickboy na preso dumarami

Kung ang hangarin ng pagkulong sa nagkasala ay mareporma mula “bad to good”, marami naman sa kalalakihang preso ang nako-convert mula sa pagiging babaero at nagiging “chickboy” o katawagan sa puwede sa chick, puwede sa boy.

Ito ang natuklasan ni Sen. Richard Gordon sa serye ng pagbisita nito sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City upang pangunahan ang proyekto ng Philippine Red Cross (PRC).

Sa pakikisalamuha ni Gordon sa mga preso, marami ang nagkuwento sa mga naganap na reporma sa mga tigasing preso na dati ay kababaihan ang preference sa sex suba­lit kalaunan ay nagiging chickboy.

Ito’y dahil sa napipilitan umano ang mga lala­king makipag-sex sa mga kakosa dahil wala na silang pagkakataon na makipag-sex sa kanilang asawa.

“Kaya nga marami sa lumalaya ay lalake na raw ang hanap imbes na babae. Mahirap ‘yan sa mga may pamil­ya, baka simulan ‘yan ng paghihiwalay,” paglalahad ni Gordon.