Special guest sa online show namin nina Mildred Bacud at Rodel Fernando na Showbiz Pamore Tonite ang all-male group na Chicser na kinabibilangan ng magkapatid na Oliver at Owy Posadas, Clarence Villafuerte at Ullyses Basa.
Tinanong naming sila kung bakit Chicser ang pangalan ng kanilang grupo. Sabi ni Oliver, “Kasi mahilig po kami sa chicken,
Ilang taon na sila sa showbiz?
“Yung pagkakaibigan po namin, walong taon na, Yung Chicser po, 6 years na sa showbiz.”sagot ni Clarence So magkakaibigan na talaga sila bago pa man binuo ang Chicser?
“Mismo,”sagot ni Oliver So magkakasing-edad kayo?
“Hindi po. Marami pong mas matatanda,”ang natatawang sagot ni Owy, na pinakabata sa grupo.
Sa tanong kina Owy at Oliver kung sino ang mas guwapo sa kanilang dalawa, ang sagot ni Owy,” Para po sa akin, si kuya ko po,” ”Pero ayon naman kay Oliver,” Siguro para sa akin, yung brother ko,”
Paano ba nagsimula ang Chicser?
“Trip-trip lang nag-upload kami ng video sa Youtube. Yung camera po namin, hindi kagandahan, ipinatong lang namin sa bato, tapos sumayaw-sayaw kami ng Teach Me How To Doguie. Tapos ayun na po, after ilang weeks, ilang months, it went viral.” sabi ni Oliver
Ang Viva ang humahawak sa career ng Chicser. Paano silang napunta sa Viva?
“Actually, yung istorya sa Viva, hindi pa po namin naa-upload yung video namin, nag-audition kami sa kanila, pero sa kasamaang-palad, wala pong natangap sa amin,” sabi ni Owy
“Nung nakita po nila yung video namin, sila na po yung lumapit sa amin,” sabi naman ni Ullyses:
Naintriga dati ang Chicser kay Daniel Padilla? Ano ba ang tunay na kuwento tungkol dito?
“Dati po kasi, pinagkukumpara yung mall shows namin at ‘yung mall shows ni Daniel,” sabi ni Owy
Na ang ibig sabihin ni Owy, gaya ni Daniel, lagi ring tinatao ang kanilang mga mall show.
Bukod sa pagiging singer, gusto rin ba nilang maging isang artista?
“Kung mabibigyan po ng opportunity, why not” sagot ni Clarence
Sabi naman ni Ullyses,” Ako po, ayaw kong mag-artista, Gusto ko lang pong mag-focus sa business ko at sumayaw at kumanta,”
Sino ba ang showbiz crush nila?
“Si Loisa Andallo,” sagot ni Owy
“Si Kathryn Bernardo po,” sagot naman ni Clarence
“Ako po, si Marian Rivera,” sagot naman ni Oliver
“Ako po, wala akong showbiz crush,”sabi naman ni Ullyses.