Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
10:00 a.m. — Perpetual vs. Mapua (jrs)
11:45 a.m. — Letran vs. St. Benilde (jrs)
2:00 p.m. — Perpetual Help vs. St. Benilde (srs)
4:00 p.m. — EAC vs. Arellano U (srs)
Pagkakataon ng Arellano University Chiefs na sumampa sa tuktok ng team standings, pero kailangan muna nilang payukuin ang Emilio Aguinaldo College Generals pagharap nila ngayong araw sa 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.
Sa unang seniors match ay bakbakan ang Perpetual Help at College of Saint Benilde.
“We couldn’t let this chance pass up, we will definitely be going all-out for a win,” wika ni Chiefs coach Jerry Codinera.
Nasa pangalawang puwesto ang Arellano (9-2), maaari nilang saluhan sa tuktok ng liderato ang last year’s runner-up San Beda kung makukuha nila ang panalo sa Generals.
Huhugot ng lakas si Codiñera kina Jio Jajalon, nagtala ng team-high 17 points, at Dioncee Holts na naglista ng 12 markers at game-high 12 rebounds sa 78-69 win kontra St. Benilde sa huling laro.
Nakakapit sa tersero ang Altas (8-3), outstanding favorite laban sa Benilde na bokya pa rin sa 11 laro.
Mas maganda sana ang karta ng Perpetual kung hindi sila natalo noong Biyernes sa San Sebastian, 55-71.