Chiefsquad back-to-back NCAA Cheerdance champion

Wala halos katiting na error ang Arellano University, inungusan ang Perpetual Help para tagumpay na maidepensa ang titulo sa 93rd NCAA Cheerleading competition kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Malinis at mas suwabe ang choreography sa sa­yaw, pyramids at stunts ng AU Chiefsquad, at pag­hupa ng kumpetisyon ay nakakuha ang mga taga-Legarda ng kabuuang 234.5 points para iuwi ang third overall crown sa kumpetisyon.

Matikas din ang Perpsquad ng mga taga-Las Piñas, pero kumabyos sa pyramid at nagkasya lang sa runner-up honors sa 226 points.

“This is the product of the team’s hard work and we dedicate the victory to the whole Arellano U community and our school officials who have supported us through thick and thin,” ani Chiefsquad coach Lucky San Juan.

Pumangatlo ang San Beda sa 193.5 points, best finish ng mga taga-Mendiola sa 14-year history ng event.

Sa kabila ng talo, taas-noo pa rin si Perpetual coach Ruf Rosario sa mga bataan, at nangakong babawi sa susunod na taon.

“That’s life, you win some, you lose some,” aniya.