NI: NONIE V. NICASIO

Pinalagan ni Chienna Filomeno ang basher na pati size ng boobs niya ay tila pinagtripan.

Banat ng basher kay Kapamilya dancer/actress, “Wala ka naman dede.”

Hindi naman natinag si Chie at nakipagsagutan pa ito sa nang-aalaska sa kanyang boobs. Resbak pa niya sa Twitter .

“Oh ano naman? Tell me something I don’t know. 19 kopong kopong na yang insulto na yan hahaha! Untog kita sa malapader kong chest eh.”

Si Chienna ay member ng GirlTrend, isang all-female group na regular na napapanood sa ‘It’s Showtime’ ng ABS-CBN.

Pamilyar ang maraming barako sa mga Instagram post ng 23 year old na dalaga, na kadalasan ay mga sexy ang makikita. Bukod sa taglay na ganda, isang certified hottie si Chienna kaya maraming kalalakihan ang naglalaway sa kanyang taglay na alindog.

May ibang kababaihan naman ang insecure at naiinggit sa kanya, kaya marahil nagkakasya na lang ang ilan sa mga ito na i-bash ang dalaga.