Isang certified hottie ang dancer, TV host at actress na si Chienna Filomeno. Ang tulad niya ay sadyang sexually attractive sa opposite sex.

Havey na havey ang alindog ni Chienna at no doubt, nakakagigil ang kanyang flawless na wangkata.

Nasa chillax mode si Chienna base sa kanyang Instagram post habang nagsu-swimming sa Lake Caliraya a couple of days ago.

Suot ang two piece blue swimwear, mas lumutang ang kariktan dito ng dalaga. Lalo na at medyo may kaunting pasilip pang cleavage at singit dito ng 23 year old na Kapamilya talent.

Si Chienna ay aminadong nakarelasyon noon ang actor-singer na si Alex Diaz na umamin recently na isa siyang bisexual. Four years daw umabot ang kanilang on and off na relasyon ni Alex, ayon sa isang panayam kay Chienna.

Tunay na nakabibighani ang porma ni Chienna. Sa angking kariktan ng dalaga, tiyak na mapapa-wow at luluwa ang mga mata ng mga kalalakihang mahilig sa mga hot babe. (Nonie Nicasio)