Kinaiinggitan ang kaseksihan ng Girltrend na si Chienna Filomeno. Ginugulo siya ng mga basher sa Instagram. Pero palaban siya at hindi niya inuuru­ngan.

Hindi siya nilulubayan ng mga ito habang panay ang post niya ng seksing la­rawan. Nagmamaasim sila at harsh comment ang pinapakawalan.

Nandiyan ang paratangang na retokada at kung ano-anong below the belt na akusasyon. Dumepensa naman si Chie. Tinawag niyang mga virus ito sa lipunan.

Sa bagong sexy post niya nandiyan pa rin ang mga ampalaya.

@sarmientojelyn, “@pre_loved_and_brandnew di na lang maghubad tong babae na to!!! Tapos pag nagcomment ng hard sabihin inggit lang haayyy…”

@pre_loved_and_brandnew, “@sarmientojelyn true lagi nilalaad katawan tas pag may harsh comment playing innocent pa kabastos bastos naman talaga.”

Mukhang walang paki si Chienna dahil mas marami ang pumupuri at nagpapantasya sa kanyang alindog.