From head to toe ay lalaban ang beauty ng aktres at Girltrends member na si Chienna Filomeno. May mga kumalat nga na larawan nila ng Momoland member na si Nancy Mcdonnie at ‘di naiwasan ng mga netizen na maikumpara sila.

Lumalaban at lumalamang din kasi ang beauty niya sa famous Korean performer. Bukod sa maganda at maamo niyang mukha ay nakakamangha ang hubog ng katawan nito.

Napakaliit ng baywang pero napa­kalaki rin ng balakang. Katawan niya ang tipong nais ng mga Westerners.­ Ang nakakamangha ay natural ang magandang hubog ng katawan niya.

Taglay rin niya ang magandang mukha at maliit na torso na tiyak na kaiinggitan ng bawat isa. (Ronaline Avecilla)