Kakaiba ang tindig ng dancer, TV host, at ­actress na si Chienna Filomeno. ­Mapang-akit ang porma nito nang nabistahan namin ang dalaga sa kanyang Instragram post.

Masasabing simple ang taglay na hotness ni ­Chienna, pero higit na pamatay ang kanyang alindog kapag nakasuot ng two piece bikini.

Ang kanyang slim and curvy body figure ay nakapaglalaway sa maraming barako. Si Chienna ang tipo ng girlfriend na ayaw mo nang pakawalan kapag nasungkit mo na ang kanyang matamis na ‘oo’.

Siya ay isa sa miyembro ng all-female group na GirlTrends na napapanood sa “It’s Showtime” ng ABS CBN.

Kabilang naman sa pelikulang naging bahagi si ­Chienna ay ang “Crazy Beautiful You,” “Just the Way You Are,” at “Can’t Help Falling in Love.”
Napanood din siya sa “Mga Batang Poz” at “Allergy­ In Love” na idinirek ni Joross Gamboa mula sa iWant.

Sa mga kalalakihang mahilig sa babaeng balingkinitan ang katawan, surely, isa si ­Chienna sa dapat na nasa unang babae ng kanilang listahan. Masarap kasing lingkisin, papakin, a
t paulanan ng pagmamahal ang mga babae na tulad ni Chienna.
Mala-sizzling plate, nakakapaso! Not to mention na mahusay din siyang gumiling. (Nonie Nicasio)