Puspusan na sa pagkilos ang mga officials at staff ng Department of Health (DOH) matapos mag-deklara ng Chikungunya outbreak sa tatlong barangay sa Maasin City, Southern Leyte.

Nabatid ng DOH na umabot na sa 548 katao ang dinapuan ng chikungunya virus sa tatlong bara­ngay kaya ipinasiya nilang mag-deklara ng outbreak.

Pinayuhan ng DOH ang mga residente na maglinis ng kanilang kapaligiran para huwag pamugaran ng lamok na siyang naglilipat ng virus.

Dapat din umano na kaagad na magpa-konsulta sa doktor sa sandaling may makitang sintomas.

Patuloy umanong nagsasagawa ng pag-aaral ang DOH para alamin ang pinagmulan ng virus at magsasagawa na rin ng fogging.