Umabot na sa 26 na kaso ng Chikungunya virus ang naitala sa bayan ng Odiongan sa lalawigan ng Romblon.

Ito ang napag-alaman sa local health authorities kung saan mula lamang ito noong buwan ng Agosto.

Sa talaan ng Department of Health (DOH), pinakamatinding naapektuhan ng sakit ang Barangay Batiano na nakapagtala ng 17 kaso.

Una nang iniulat na nagkaroon na ng outbreak ng sakit sa bayan ng Indang sa Cavite.

Ang Chikungunya virus ay gaya ng dengue at zika na nagmumula din sa kagat ng lamok pero hindi naman ito gaya ng dengue na nakamamatay.

Dahil dito, pinayuhan ng pamahalaang lokal na lalawigan ng Romblon ang mga residente na maging malinis sa paligid para makaiwas sa pamumugad ng lamok.