Mas pinalaki at mas pinagbuting Philippine Sports Commission Children’s Games 2019 ang balak ng PSC makaraan ang matagumpay na edisyon sa taong ito na kinakitaan ng paglahok ng 10,746 na mga kabataan sa 22 lungsod at bayan sa kapuluan ng bansa.
Ang CG ang Sports for Peace Program ng national sports agency, na ang mga numero sa kasalukuyang taon ang humigit sa 10,000 mga bumahaging mga paslit noong 2017
Natanggap ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang ulat kay Philippine Sports Institute deputy director Marlon Malbog kahapon sa PSI coordinators fourth quarterly meeting na binuksan sa PhilSports Complex Dorm G Multi-Purpose Hall sa Pasig City.
Hinirit ng tagapangulo ng Komisyon na tungkulin ng estado na magkaroon nang malusog at mabuting ugali ang isang nilalang sa maaga pa lang na panahon.
“The numbers of the Children’s Games and Sports for Peace was an effective tool of children at an early age doing peace-making, physical fitness, inspiring them to study and break the cycle of poverty,” bulalas ni Ramirez.
Hinirit pa niyang, “The mantra of President Rodrigo R. Duterte is to make sports accessible to the periphery especially to the poor communities and the marginalized.”
Mga pinagdausan ng Children’s Games and Youth Volunteers Training ang Bataan, Dumaguete City, Tagbilaran City, Bogo, Mandaue City, Iloilo City, Passi City, Ormoc City, Maasin City, Libagon City, Macrohon City, Liloan, Payatas, San Pedro City, Biñan City, Casiguran, Padada sa Davao del Sur, Digos City, Lupon at Mati City sa Davao Oriental, Asuncion sa Davao del Norte at sa nagiyerang Marawi City.
Dinagdag ni Malbog na maraming bata, grassroots athletes at coaches pati Local Government Units ang mga nakinabang sa mga programa ng PSC sa pamamagitan ng PSI.