China may virus uli – National Health Commission

Nakapagtala ang China ng bagong 11 kaso ng novel coronavirus bagamat walang ulat na may namatay dito, ayon sa National Health Commission.

Kabilang sa mga bagong kaso na naitala ang lima na nakuha sa abroad ang impeksyon habang ang anim ay lokal na ang isa ay mula sa Heilongjiang province, sa may Russian border.

Nangangamba ang China na muling magkaroon ng outbreak sa hilagang bahagi kungsaan ang virus ay galing sa Russia.

Bukod sa 11 ,may 30 bagong aymptomatic cases ang naiulat at may 1,000 ang inoobserbahan .

Ayon sa NHC, umabot na sa kasalukuyan sa 82,827 ang kumpirmadong kaso kung saan may 4,632 ang nasawi.(Juliet de Loza-Cudia)