China nag-donate ng 7K sako ng bigas sa Cebu

Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-45 anibersaryo ng Philippines-China diplomatic relation, nagbigay ang huli ng 7,292 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P3.5 milyon, sa lokal na pamahalaan ng Cebu noong Martes.

“This is our way of showing solidarity with the Filipinos in its fight against coronavirus, our common enemy,” ayon sa Chinese Consulate sa Cebu.

“We believe that through a joint effort by both countries, the Filipino people will prevail over this pandemic and establish a safe, productive, and healthy nation,” sabi pa rito.

Pinangunahan ni Consul General Jia Li ang pag-turnover ng sako ng bigas sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas, at lokal na pamahalaan ng Cebu. (Prince Golez)