China nagpadala ng medical team expert sa Italy

Nagpadala ng medical team expert ang China para suportahan ang Italy at Spain sa paglaban sa corona virus matapos ang report na tumataas ang death toll sa bawat araw.

Sakay ang mga ito ng chartered flight na may siyam na Chinese medical team, kasama ang Red Cross Society of China at dala ang may 700 equipment kabilang na ang ventilators, monitors at defibrillators.

Ang Italy ay pinaka- worst-hit country matapos ang China na may naitalang 168 katao na ang namatay sa Covid-19 na kabilang sa 631 death toll sa mundo at nasa mahigit 10,000 ang naapektuhan na kung saan ay inilagay na sa lockdown ang Rome. Ang Europe ang ikinonsiderang bagong episentro ng virus.

Giit naman ni Foreign Minister Luigi Di Maio na “Today, Italy is not alone.”

Nabatid na pangatlong expert team na ang dineploy ng Chinese authorities para makatulong sa pagsugpo ng virus matapos ang report na nagkukulang na ang Italy sa medical supplies and equipment.

Ayon kay Mr Di Maio, malaki ang naitulong ng mga Chinese na nakatira sa Italy para sugpuin ang epidemic na kung saan ay nagsama-sama sila kasabay ng mga tulong na medical supplies na ibinigay pa ng China.

Tumaas din ang bilang ng kaso sa neighbouring country na France at Germany, habang ang kaso sa China ay under control na. (Vick Aquino)