Suportado ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang oil exploration agreement ng Pilipinas at China dahil mismong ang mga eksperto sa West Phi­lippine Sea (WPS) ay nagbigay ng basbas sa kasunduang ito.

Sinabi ni Recto na malaking bagay ang naging pahayag nina Acting Chief Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario, na walang dapat ipangamba sa kasunduan dahil hindi naman ipinamimigay ng gobyerno ang WPS.

“This seal of a good agreement from two eminent experts bodes well for the eventual forging of a constitutionally-compliant venture that is economically beneficial to us,” ayon sa senador.

Inaasahan naman ng senador na makatutulong ang kasunduan upang magkaroon ang bansa ng energy independence ngayong nalalapit nang mawalan ng suplay ng natural gas ang Malampaya sa Palawan na sumusuporta ng 40-50 por­siyento ng kuryente sa Luzon.

“There is an ­urgency in our search for ­energy independence. The Malampaya field off Palawan could run out of natural gas by 2024. This spectre of energy starvation is what should drive the renewed hunt for new gas and oil fields within our seas,” sabi ni Recto.

Naunang sinabi ni Carpio na dahil inilagay ng Philippine go­vernment sa kasunduan ang service contractor, hindi na magiging argrabyado dito ang bansa. Sa pananaw naman ni Del Rosario, sinabi nitong kasunduan lang ito para makipagnegosasyon sa oil at gas sa WPS at wala namang pinamimigay na teritor­yo.