Sa kabila ng pakikipagkaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China at Russia, ang dalawang bansa pa rin ang kinamumuhian ng mga Filipino ayon sa isang survey.
Sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa 1,200 respondents sa buong kapuluan noong Marso 15-20, 37 percent lang ang nagtitiwala sa China habang 42 percent sa Russia.
Malaki ang agwat nito sa Amerika na pinagkakatiwalaan ng 79 percent; Japan, 75 percent; Australia, 69 percent; at Great Britain, 53 percent.
Maging ang United Nations (UN) ay nakakuha ng mataas na 82 percent at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), 81 percent.
Nang hingan ng reaksyon, sinabi ni presidential spokesperson Ernesto Abella na matagal nang napaniwala ang publiko na ang China at Russia ay kalaban ng Pilipinas.
“That’s par for the course. After all these years, we have been programmed to think that these are the enemies. The President is breaking free as a disruptor,” rason ni Abella.
Minsang umasim ang relasyon ng Pilipinas at China matapos nilang okupahan at pagtayuan ng artificial islands ang ilang bahagi ng South China Sea na sakop pa ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Naglabas na ng desisyon ang Arbitral Tribunal pabor sa Pilipinas subalit hindi naman ito ginamit ni Pangulong Duterte upang mapanindigan ang pagmamay-ari sa nasabing teritoryo.
TANGA LANG NAMAN ANG KAKAMPI AT MAKIKIPAGKAIBIGAN SA RUSSIA AT CHINA. MAGALING LANG SILANG MAGPAIKOT SA MGA TANGA NA KUMAKAMPI SA KANILA. ANG DAMI DAMING MGA BANSA NA MAPAGKAKATIWALAAN, BAKIT SA DALAWA PANG ITO.
OF COURSE, THAT’S NORMAL DEMOKRASYA TAYO .ANG CHINA AT RUSSIA AY MGA KUMUNISTA AT IBA ANG TURING NILA SA ATIN.ALANGAN NAMAN MAKIPAG ALYANSA ANG MGA PILIPINO SA KANILA NA MGA TRAYDOR NA MGA YAN..ANG MGA TAONG HINDI PA NAKASALIMUHA SA RUSSIA OR NAKASAMA AT MGA INTSIK SASAB8HIN NILA MABABAIT.KUNG AKO ANG TATANUNGIN NYO KUNG MATAGAL KO NA BA NAKASAMA MGA YAN OO KAYA ALAM KO MGA UGALI MGA YAN.