Chinese army naglipana na — Ping

ping-lacson

Nagbabala si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson hinggil sa pagpasok ng Chinese army sa Pilipinas para sa hindi pa mabatid na misyon.

Batay umano sa natanggap na impormasyon ng senador, tinatayang aabot na sa 2,000 hanggang 3,000 miyembro ng People’s Liberation Army (PLA) ang nakapasok na sa bansa.

Subalit kailangan aniyang ma-vali­date ng intelligence community ang nakuha niyang impormasyon na kanyang ibinahagi kay Senador Richar­d Gordon
“As per may source, around 2,000 to 3,000 apparently on an immersion mission but for still unknown reason. I would like to emphasize that this report is yet to be validated,” pahayag ni Lacson.

“The intelligence community should exert extra effort to gathe­r information in this regard,” dagdag pa nito.

Ang Chinese PLA ay isa sa pinakamalaking military force sa buong mundo.
Sabi ni Lacson, maaaring may mis­yon ang mga miyembro ng PLA kaya naririto sila sa Pilipinas. Pero sa nga­yon aniya, wala lang nakakaalam kung ano talaga ang layunin ng kanilang pagpunta sa bansa.

Noong nagdaang linggo, nadiskubre ng mga pulis ang PLA identification card sa dalawang Chinese na suspek sa pagkamatay ng isa nilang kababayan na pinagbabaril sa loob ng VIP room ng isang restaurant sa Makati City.
Iginiit naman ni Gordon na “well-oiled, well-funded” ang PLA at maaa­ring ang ilan dito’y nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Ope­rator (POGO).

“Yes, with so big a population of Chinese coming here. The PLA will be stupid first not to watch them, right? We have to watch them, hindi namin pinatuloy sa China ‘yan pero nandito ‘yan. I will send PLA agents to watch where these people are,” sabi ni Gordon. (Dindo Matining)