Nakabalik sa Pilipinas ang Chinese drug lord na sinasa­bing pinakawalan ng mga tauhan ni dating Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Sa panayam ng ANC, bi­nunyag ni Senador Richard Gordon na batay umano sa impormasyong galing sa Bureau of Immigration (BI), gumamit ng pekeng passport ang suspek na si Johnson Lee para makapasok muli sa bansa.

Si Lee ay nagbigay umano ng P50 milyon kapalit ng kanyang kalayaan matapos maaresto noong 2013.

“The latest thing we found out about Johnson Lee—in fairness to Immigraiton, it came from them—he came in through another passport,” sabi ni Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi pa nito na susu­nod niyang iimbestigahan ito gayuman, hindi na nagbigay ng karagdagang impormas­yon ang senador kung kailan nakabalik sa Pilipinas si Lee at sa posibleng kinaroroonan nito ngayon.