Chinese Embassy dedma sa POGO putahan

Umii­ral ang ‘hands off policy’ sa Chinese Embassy kaugnay ng mga na-rescue na mga babaeng Chinese mula sa mga prostitution den na may kinalaman sa paglaganap ng Phi­lippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Dahil dito, problemado ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na makuha ng impormasyon para malutas ang paglaganap ng mga Chinese prosti.

“Walang pakialam ang Chinese Embassy even we inform them about the women we rescue from prostitution dens,” sabi ng mga ahente ng NBI.

“They don’t respond to our communications regarding their citizens who are human traffickin­g victims. They had not send any representative to discuss the situation of these wo­men,” dagdag ng NBI.

Anila, sila na ang halos ang gumastos para madala ang mga Chinese prostitute sa Department of Social Walfare and Development (DSWD),” sabi ng isang NBI agent.

Magugunita na nagawang mailigtas ng NBI Anti-Oranized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang mga babaeng Chinese sa isang hotel sa Roxas Blvd.

Ginagamit umanong front ng sindikato bilang sex den ang mga mala­laking hotel matapos maghigpit ang mga Filipino house owner na magparenta ng mga dayuhan. (Nancy Carvajal)