Isang Chinese national ang hinoldap ng Ipit Gang na may kasabwat na taxi driver sa Pasay City kahapon nang madaling-araw.

Matapos ang insidente, nagtungo sa Pasay City Police Station ang biktimang si Zhong Zhi Bo, 29-anyos, upang idulog ang ginawang panghoholdap sa kanya ng tatlong suspek.

Sa salaysay ng biktima, dakong alas-11:00 ng gabi nang sumakay siya sa taxi at nagpahatid sa Mall of Asia.

Habang patungo sa MOA, huminto ang taxi sa isang lugar at isinakay ng drayber ang dalawang lalaki. Agad na pumasok sa loob ng taxi ang da­lawang suspek at sabay nagdeklara ng holdap.

Sinabi pa ng biktima na pinagsusuntok pa siya ng mga suspek at ka­sabwat na taxi driver.

Matapos na malimas ang mga mahalagang gamit at pera ng biktima ay ibinaba ito sa isang lugar malapit sa kanyang tinutuluyang condomi­nium sa Roxas Boulevard bago tulu­yang tumakas.

Natangay sa biktima ang dalawa niyang cellphone na nagkakahalaga ng kabuuan na P110,000 at iba pang mga gamit.

Inaalam ngayon ng mga imbestigador ng Pasay City Police kung may mga closed-circuit television na nakalagay sa mga lugar na dinaan ng sinakyang taxi ng biktima para makuha ang plaka nito at matukoy ang mga suspek. (Armida Rico)