Chinese lumundag sa condo, dedo

Nabasag ang bungo ng isang 22-anyos na Chinese national nang tumalon mula sa ikawalong palapag­ at bumagsak sa 4th floor ng isang condominium kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Namatay noon din ang ‘di na pinangalanang Chinese, 22, umookupa sa Legaspi Towers 300 sa P. Ocampo St., kanto ng Roxas Boulevard, Malate.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng gabi nitong Enero 8.

Ang katawan ng biktima ay natagpuang nakadapa at duguan sa sahig ng entrance pool side ng ika-4 na palapag.

Kaagad na dinala sa Ospital­ ng Maynila ang biktima pero idineklara rin itong patay alas-11:50 ng gabi.

Inaalam naman ni PEMS Charles John Duran at PMSg. Jansen­ Rey San Pedro ng MPD Homicide Section, ang motibo nang pagpapakamatay ng biktima. ­(Juliet de Loza-Cudia)