Walang saplot sa katawan nang matagpuan walang buhay sa kanyang tinutuluyang unit, ang 45-anyos Chinese national, sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Li Ming Shi , alyas Andy Ang, tubong-Hubei, China, online seller; at residente sa Binondo, alas-otso ng gabi.

Nabatid sa security guard na si Jovie Gutierrez, isang kamag anak ng biktima ang nag-report sa kanya na nakita nitong patay ang biktima.

Tinatawagan umano ang biktima pero hindi ito sumasagot sa cellular phone, kaya minabuti nitong puntahan ang gusaling tinitirhan nito.

Hindi umano ito pinagbubuksan ng pinto, dito na humingi ng tulong sa kanilang chairman ,hanggang sa gumamit ng ladder at makitang wala nang buhay ang biktima,habang nakaupo sa silya at saplot sa katawan.

Nabatid na mula nang magpatupad ng enhanced community quarantine ay hindi na lumabas ang biktima.

Nalaman na matagal na umanong may sakit ang biktima.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtopsiya. (Juliet de Loza-Cudia)