Tinadtad ng bala ang isang 28-anyos na Chinese national ng dala­wang riding-in-tandem kamakalawa ng hatinggabi sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Shi Hua Tian, alyas Andy ng 423 Jose Abad Santos St., Binondo, Maynila habang nakaligtas ang kasamang nobya na si Dony Ya Lin.

Ayon kay PO3 Ryan Jay Balagtas ng MPD, alas-11:15 ng gabi nang pagbabarilin sa harapan ng Blue Lane Hotel sa Binondo, Maynila habang sakay ng puting Honda ci­vic (AAW-3122) ng apat na suspek na pawang naka-bonnet na agad na tumakas matapos ang pamamaril.